MPD, magsasagawa ng booster shot vaccination sa kanilang mga tauhan ngayong araw

40

Magkakasa ngayong araw ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) ng vaccination program para sa kanilang mga personnel.

Isasagawa ang pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine Booster sa Rizal Hall ng MPD Headquarters sa U.N. Avenue sa Ermita, Maynila.

Magsisimula ito ng alas-8:00 ng umaga kung saan ikakasa rin ito bukas, June 15.


Ayon kay Police Maj. Phillip Ines ang hepe ng MPD PIO, nasa 1,985 na iba’t ibang klase ng bakuna ang kanilang gagamitin ngayong araw habang nasa 1,679 naman ang ituturok bukas.

Aniya, batch by batch o kada istasyon ng MPD ang kanilang gagawin upang hindi magkaroon ng kumpulan o siksikan.

Sinabi pa ni Ines na katuwang ng MPD sa ikakasang pagbabakuna ang lokal na pamahalaan ng Maynila kung saan hangad nila mabigyan ng proteksyon ang lahat ng kapulisan sa lungsod na nagsisilbi rin bilang mga frontliners.



Facebook Comments