Tuesday, July 21, 2026

PBBM, pangungunahan ang AFP change of command ngayong araw

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang change of command at retirement ceremony ni General Romeo S. Brawner Jr. mamayang hapon.

Si Brawner ang ika-60 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pormal na nanungkulan noong Hulyo 21, 2023, matapos humalili kay General Andres Centino.

Sa naturang seremonya, pormal na iaanunsyo ngPPangulo si Lieutenant General Antonio G. Nafarrete bilang bagong chief of staff ng AFP.

Nauna nang inanunsyo ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga kay Nafarrete ang bilang ika-61 Chief of Staff ng AFP.

Samantala, itinalaga rin si Lieutenant General Donald M. Gumiran na kasalukuyang commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), bilang bagong Commanding General ng Philippine Army (PA).

Facebook Comments