
Palalakasin ng Philippine National Police (PNP) ang pakikipagugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga scammers na gumagamit ng mga pekeng qr code na kumakalat sa mga online platform.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., gumagamit na ng teknolohiya ang mga kriminal para magscam kung kayat hindi ito papayagan ng PNP.
Nabatid na nagbabala na ang mga otoridad sa publiko kaugnay ng bagong uri ng pangsa-scam na tinatawag na “Quishing” o “QR Phishing” .
Kung saan gumagamit ang mga cybercriminal ng QR code upang dalhin ang biktima sa isang pekeng website para magnakaw ng personal at pinansyal nito na impormasyon.
Panawagan ni Nartatez sa publiko na maging mapagmatyag at ireport agad sa pulisya kung muntik nang mabiktima ng ganitong uri ng pang-sa-scam.










