
Magbibigay ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maaapektuhan ng P85 na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, gagamitin ng DOLE ang Adjustment Measures Program (AMP) upang pondohan ang mga kagamitan at hakbang na magpapataas sa produktibidad ng maliliit na negosyo.
Layunin nito na magamit ng mga employer ang kanilang capital sa pagpapatupad ng wage increase nang hindi agaran o masyadong makakaapekto sa operasyon.
Sakop rin ng gagamiting AMP ang capacity-building, business enhancement, product development at labor compliance assistance.
Paalala ng DOLE, maaari pa ring magpasa ang mga kuwalipikadong negosyo ng aplikasyon para makakuha ng exemption sa loob ng 75 araw.










