
Nagbigay saya ngayong araw ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line o MRT-3 sa mga pasahero sa mga train station nitong Valentine’s Day.
Pinangunahan mismo ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon ang pamimigay ng bulaklak, box of chocolates at pillow sa mga pasahero sa MRT-3 North Avenue station.
Kabilang sa mga napasaya ay mga pasaherong matatanda, kababaihan, mga magsing-irog at mga single ngayong Araw ng mga Puso.
Ani Bongon, sa gitna ng mga problema na kinakaharap ng mga commuters ngayon, malaking bagay na mapangiti ang mga ito sa kanilang daily commute ngayong araw.
Tiniyak naman ni Bongon na magiging tuloy-tuloy ang magandang serbisyo ng MRT-3 sa mga pasahero.
Aniya, malaki na ang ipinagbago ng serbisyo ng MRT dahil naibalik na sa pre-pandemic level na estado ang takbo ng linya.