Monday, May 25, 2026

Aktuwal na pag-iimbentaryo ng langis, pinaoobliga ng DOE sa mga oil company

Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang lahat ng oil companies na higpitan ang pagbabantay sa suplay ng petrolyo sa bansa.

Nais ng DOE na regular na magsumite ang mga oil industry players ng ulat kaugnay sa kanilang storage capacity at aktuwal na imbentaryo ng langis.

Layunin nitong masubaybayan ang sapat na suplay ng petrolyo at maiwasan ang posibleng kakulangan sa gitna ng pabago-bagong sitwasyon sa pandaigdigang merkado.

Bahagi rin ng direktiba ang koordinasyon sa paggamit ng mga storage facility ng Philippine National Oil Company (PNOC) at PNOC Exploration Corporation upang masuportahan ang pangangailangan sa petrolyo.

Binalaan naman ng DOE ang mga kumpanyang hindi susunod sa direktiba na maaari silang humarap sa kaukulang parusa, kabilang ang suspensyon o kanselasyon ng permit.

Ang hakbang na ito ng DOE ay alinsunod sa Executive Order No. 110, na nagdedeklara ng State of National Energy Emergency upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na distribusyon ng fuel supply sa bansa.

Facebook Comments