
Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng mahigit 62,000 na laptops at smart TV sa mga paaralan sa bansa.
Ito ay bagamat tinapyasan ng ₱10-billion ang budget ng DepEd.
Ayon sa Education Department, ang naturang mga laptop at smart TV ay nagkakahalaga ng ₱1.8 billion.
Inaasahang makukumpleto ang pamamahagi nito sa mga eskwelahan sa labing-anim na rehiyon sa bansa sa ikalawang bahagi ng taon.
Kabilang sa mga rehiyon na makakatanggap ng mataas na alokasyon ng ICT equipments ang Region IV-A (CALABARZON), Region VI (Western Visayas) at Region VIII (Eastern Visayas).
Partikular na gagamit ng laptops ang libu-libong mga guro at non-teaching personnel ng DepEd.
Facebook Comments