MRT-7, inaasahang partially operational na sa huling quarter ng 2022 – Pangulong Duterte

Pinangunahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa mga train sets na gagamitin sa Metro Rail Transit Line 7 na magko-konekta sa Quezon City at lalawigan ng Bulacan.

Nasa 36 train sets na binubuo ng 108 na bagon ang binili ng gobyerno para sa 14 na istasyon mula sa North Avenue sa Quezon City patungong San Jose del Monte, Bulacan.

Layon nitong paikliin ang oras ng biyahe sa 35 minuto mula sa kasalukuyang dalawa hanggang tatlong oras.


Ayon sa Pangulo, nasa 60 porsyento nang kumpleto ang konstruksiyon at inaasahang partially operational na ito sa huling quarter ng susunod na taon.

Inaasahang nasa 300,000 pasahero kada araw ang gagamit nito sa unang taon ng operasyon ng MRT-7.

Facebook Comments