MSME summit 2022 sa Maynila, dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

70

Dumalo si Pangulong “Bongbong” Ferdinand Marcos Jr., sa Macro, Small, Medium Enterprise o MSME Summit 2022 dito sa Fiesta Pavilion sa Manila Hotel.

Ala-una ng hapon nagsimula ang programa sa MSME summit.

Ang summit ay dinaluhan din nina Go Negosyo Founder Joey Concepcion, US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at ang mga negosyante na nagmamay-ari ng mga malalaki at maliliit na negosyo sa bansa.


Ang Philippine Center for Entrepreneurship o GO Negosyo ay 16 na taon nang nagpo-promote ng masagana at mayabong na pamumuhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Facebook Comments