NANLABAN | Lalaki, sawi matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan

Caloocan City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Bagong Silang, North Caloocan.

Nakilala lamang ang lalaking suspek sa alyas na Jepoy.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa panghohold-up at panghahalay ni alyas Jepoy, kaya naman agad ikinasa ang follow-up operation.


Nang makorner ng mga pulis ay bumunot ng baril at nagpaputok, ang suspek sa halip na sumuko kaya ito napatay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nang-hold-up muna si alyas Jepoy ng isang lalaki at isang babae matapos nito ay hinatak niya papunta sa isang madilim na eskinita ang babae at doon ito pinagsamantalahan.

Facebook Comments