Sumailalim sa masusing screening at panel interview ng Philippine National Police ang mga aplikante mula sa bayan ng Urbiztondo, sa ilalim ng Attrition Quota ngayong taon.
Layunin ng naturang aktibidad na matiyak na may sapat na kwalipikasyon, mataas na antas ng integridad, at kahandaang gampanan ang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas ang mga aplikante.
Sinuri ng mga opisyal ang mga dokumento, background investigation, at panel interview upang masukat ang kanilang kakayahan, kaalaman, at wastong asal.
Ayon sa mga opisyal, ang ganitong proseso ay mahalaga upang mapanatili ang kalidad at kredibilidad ng hanay ng kapulisan.
Patuloy namang hinihikayat ng mga awtoridad ang mga kwalipikadong indibidwal na maging bahagi ng PNP, kasabay ng pagsusulong ng mas episyente at mapagkakatiwalaang serbisyo publiko.








