
Nabago ang travel plans ni Vice President Sara Duterte matapos ang aniya’y last-minute na pagpapalabas ng Office of the President ng travel authority.
Kaugnay ito ng kanyang biyahe sa limang bansa mula April 23 hanggang May 15.
Partikular sa kanyang biyahe sana ang Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.
Inihayag naman ni VP Sara na magpapadala siya agad ng panibagong request sa Tanggapan ng Pangulo.
Umaasa si VP Sara na sa susunod ay hindi na last-minute ang approval na gagawin ng Office of the President.
Ito ay upang makapaghanda siya sa biyahe at hindi ilang oras bago ang kanyang departure ay saka pa siya bibigyan ng travel authority.
Facebook Comments










