P10-M HALAGA NG MAKINARYANG PANG-SAKAHAN, IPINAMAHAGI SA CAGAYAN VALLEY

Cauayan City – Ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA RFO 02) ang mahigit PHP 10.3 milyong halaga ng makinarya at kagamitan sa iba’t ibang samahan ng magsasaka at mangingisda sa Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Isang 4-wheel drive tractor na nagkakahalaga ng P1.6M, apat na hauling trucks na may kabuuang halaga na P2.18M, at iba pang mga agricultural inputs.

Ayon kay Regional Technical Director Kay S. Olivas, kailangang pahalagahan at gamitin nang wasto ng mga benepisyaryo ang natanggap nilang makinarya dahil marami ang nangangailangan nito.


Samantala, ibinahagi rin ni Program Head Ms. Carol P. Albay ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa paggamit ng makinarya, lalo na sa mga babaeng kasapi ng kooperatiba, at binigyang-diin na dapat silang bigyan ng pantay na pagkakataon sa pag-operate ng mga ito.

Nagpahayag din ng suporta si Hon. Mayor Noel Lim ng Nagtipunan, Quirino, at pinaalalahanan ang mga magsasaka na gamitin nang maayos ang ipinamahaging kagamitan.

Bahagi ng turnover ceremony na ito ang pagsisikap ng DA RFO 02 na mapataas ang ani, kita, at kasanayan ng mga magsasaka sa Cagayan Valley habang pinalalakas ang kanilang mga kooperatiba at asosasyon.

Facebook Comments