Nasa 100 BuCor personnel, iniimbestigahan na dahil sa pagpuslit ng kontrabando

Nasa 100 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tinanggal sa puwesto dahil umano sa pagpupuslit ng mga iligal na kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang na 20 sa mga dito ay opisyal ng BuCor.

Sasailalim ang mga ito sa masusing imbestigasyon kung saan aalamin nila ang mahigpit na pakikipagsabwatan ng mga ito sa mga Persons Deprived with Liberty (PDL).


Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay ilang mga kontrabando ang kaniyang nakumpiska ng magsagawa ang mga ito ng Oplan Galugad.

Facebook Comments