Saturday, September 19, 2026

DepEd, kinumpirmang baril ng amang empleyado ng kagawaran ang ginamit ng estudyanteng namaril sa loob ng Banga NHS sa South Cotabato

Kinumpirma ngayon ng Department of Education (DepEd) na pagmamay-ari ng ama ng namaril na estudyante ang baril na ginamit sa shooting incident sa Banga National High School (BNHS) sa South Cotabato.

Ayon sa DepEd, ang baril na ginamit sa krimen ay nakarehistro sa ama ng Grade 9 student.

Ang ama ay isa ring DepEd Disaster Risk Mitigation Officer.

Sinibak na bilang law enforcer ang suspek pero hindi pa suspendido sa pagiging empleyado ng education department.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay ng insidente.

Sa ngayon, tatlo ang kumpirmadong patay, kabilang ang dalawang Grade 9 student at ang mismong child in conflict with the law (CICL), habang walong iba pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril.

Sinabi naman ni Department of Education Secretary Sonny Angara na maghihigpit na ang kagawaran sa paggamit ng mga gadgets lalo na’t sinasabing associated umano sa dark web ang learner na namaril.

Facebook Comments