Nasa 30 kalsada sa bansa, hindi madaanan matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan

Hindi pa rin “passable” para sa mga motorista ang 30 kalsada sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito’y matapos maapektuhan dahil sa pananalasa ng Bagyong Uwan.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi pa rin madaanan ang mga naturang kalsada dahil sa pagguho ng lupa at pagtaas ng tubig dahil sa bagyo.

Kabilang sa mga kalsadang hindi madaanan ang sampung kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), dahil sa soil and rock collapse, landslide, nagtumbahang puno at mudflow.

Gayundin ang isang kalsada sa National Capital Region (NCR) sa C-4 Road – corner M. Naval Street, dahil naman sa pagbaha.

Sa Region 1, Region 2, Region 3, Region 5 at Region 12, hindi pa rin madaanan ang mga pangunahing kalsada dahil sa nakatumba pa rin ang poste ng kuryente, pagbaha, electric lines, nagtumbahang puno sa road cut, debris flow, nagtumbahang puno at dahil sa damaged detour road.

Samantala, may ibang daan naman na ang passable pero para sa mga malalaking sasakyan lamang o mga heavy vehicles.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong daan, na makikita sa official social media accounts ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments