NBA games, suspendido matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang manlalaro

Image from NBA.com

Tuluyan nang ipinagpaliban ang kabuuang season ng National Basketball Association (NBA) matapos mag-positibo sa coronavirus disease 2019 ang isang manlalaro ng Utah Jazz.

Inanunsyo ang naturang desisyon, ilang oras bago magsimula ang laban sa pagitan ng Jazz at Oklahoma City Thuder nitong Miyerkoles ng gabi.

“The NBA is suspending game play following the conclusion of tonight’s schedule of games until further notice. We will use this hiatus to determine next steps for moving forward in regard to the coronavirus pandemic.”


Nasa kasagsagan ng warm-up ang mga manlalaro ng bawat koponan sa Chesapeake Energy Arena nang biglang pabalik ng locker room.

Paglilinaw ng NBA, wala sa loob ng hard court ang basketbolistang tinamaan ng COVID-19.

“The test result was reported shortly prior to the tip-off of tonight’s game between the Jazz and Oklahoma City Thunder at Chesapeake Energy Arena. At that time, tonight’s game was canceled. The affected player was not in the arena,” dagdag pa ng liga.

Dahil sa insidente, isasailalim din sa quarantine ang mga manlalaro ng dalawang koponan.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang pamunuan kung kailan ire-resume ang mga kanseladong laro.

Facebook Comments