Thursday, April 23, 2026

Malacañang, itinangging last-minute ang pag-apruba ng travel authority ni VP Sara; biyahe, hindi pipigilan kung walang HDO

Ito ang paliwanag ng Palasyo kung bakit pinapayagan ng Office of the President ang mga biyahe ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinayapayagan ito hangga’t walang legal na balakid at wala aniya sa rekord ng Palasyo na tinanggihan ang alinmang personal na biyahe ng bise presidente.

Itinanggi rin ng Malacañang na last-minute ang pag-apruba sa travel authority.

Batay sa records, noong April 14 pa naghain ng request si VP Sara at karaniwan nang isang araw bago ang nakatakdang pag-alis ibinibigay ang travel clearance.

Paglilinaw pa ni Castro, umaabot lamang sa limang working days ang normal na pagproseso ng travel requests at madalas pang pinabibilis ang pag-apruba kapag mula sa Office of the Vice President ang kahilingan.

Facebook Comments