Friday, April 17, 2026

DTI, nagsasagawa ng monitoring ng presyo ng pangunahing bilihin sa Muntinlupa

Nagsasagawa ngayon ng special monitoring sa basic necessities and prime commodities (BNPCs) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa isang grocery store sa Don Jesus Blvd., Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Isinasagawa ang hakbang na ito kasunod ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, na may epekto rin sa presyo ng mga bilihin.

Ayon sa DTI, layunin ng monitoring na ma-evaluate ang kondisyon ng pamilihan at agad na makapagpatupad ng kaukulang aksyon kung may mapansing hindi makatwirang pagtaas ng presyo.

Kasama rin sa inisyatiba ang pagsiguro sa sapat at matatag na suplay ng mga pangunahing bilihin, kasabay ng pagpapatupad ng “no price increase” policy hanggang April 30.

Matatandaang noong March 31 ay nagsagawa rin ang DTI ng price monitoring sa ilang grocery stores sa Taguig City, kung saan wala namang naitalang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments