NCR, posibleng “very low risk” na lang sa COVID-19 pagsapit ng Marso

Target ng National Capital Region na maging “very low risk” na lamang sa COVID-19 pagsapit ng Marso.

Batay sa projection ng OCTA Research Group, posibleng nasa 200 na lamang ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR sa katapusan ng Pebrero.

Ayon kay Dr. Guido David, 140 new cases na lamang ng COVID-19 ang dapat na maitala sa NCR para maabot ang very low risk classification.


Simula February 8, nasa 600 na lamang ang average na bagong kasong naitatala sa rehiyon kada araw.

Samantala, bumaba pa sa 0.23 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus habang nasa 6.55 na lamang ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR.

Nasa 9% naman ang positivity rate at 29% ang healthcare utilization rate.

Facebook Comments