Tuesday, April 28, 2026

Coal moratorium, nanatiling epektibo kahit may krisis sa langis ayon sa DOE

Binigyang-diin ng Department of Energy (DOE) na hindi nila aalisin ang moratorium o pagbabawal sa pagtatayo ng mga bagong coal-fired power plant sa bansa.

Ito ay kahit may umiiral na krisis sa langis sa Middle East.

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na sapat pa ang kasalukuyang suplay ng kuryente mula sa umiiral na mga kontrata kaya hindi na kinakailangang magdagdag ng panibagong coal plants.

Sa halip, tututok ang ahensya sa pagpapatuloy ng mga kasalukuyang proyekto.

Pinapayagan naman ang mga umiiral na coal plant na dagdagan ang kanilang produksyon upang makatulong sa pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng kuryente dahil mas mura ito kumpara sa liquefied natural gas (LNG).

Bahagi ito ng layunin ng Philippine Energy Plan na pataasin ang bahagi ng renewable energy sa 35 percent pagsapit ng 2030 at 50 percent sa 2040.

Noong 2025, umabot na sa 25 percent ang renewable energy share, habang ang coal ay bumaba sa 56.6 percent ng kabuuang power generation.

Facebook Comments