
Walang nilabag na batas ang House Committee on Justice sa ginawa nitong pagsasapubliko ng findings ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa transaksyon sa mga bank account nina Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio.
Ito ang binigyang-diin ni Committee Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro makaraang magsampa ng reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office si Carpio laban sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), AMLC, at ilang miyembro ng House Committee on Justice.
Naniniwala si Luistro na layunin ng hakbang ni Manases na pigilan ang paglabas ng mga ebidensya laban kay VP Duterte.
Tiniyak naman ni Luistro na hindi makaaapekto sa trabaho ng komite ang mga aksyon ni Manases.
Diin ni Luistro, talagang nag-iingat ang komite kaya iniwasan nilang ipa-subpoena ang mga bank record ni VP Duterte na saklaw ng Bank Secrecy Law, at ang tanging pinasumite at tinalakay lamang nila ay ang AMLC reports alinsunod sa mandato ng ahensya sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act.










