Ndrrmc, Nilinaw Na Wala Pa Silang Inilalabas Na Bilang Ng Casualties Sa Pananalasa Ng Bagyong Nina

39

MANILA – Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walang pa silang inilalabas na bilang ng mga nasawi sa bagyong Nina.Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, patuloy pa rin nilang kinukumpirma ng ahensya ang mga pumapasok na impormasyon.Una nang kinumpirma ng lokal na pamahalan ng Albay na apat ang naitalang namatay sa kanilang lalawigan habang dalawa naman sa probinsya ng Quezon.Samantala, ngayong araw magsasagawa ng aerial inspection ang gobyerno para alamin ang lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Nina sa Bicol region at iba pang lugar na dinaanan nito.

Facebook Comments