Tuesday, June 23, 2026

VP Sara Duterte, tinawag na masamang damo si PBBM

Tinawag ni Vice President Sara Duterte na masamang damo at matagal aniya mamatay si Pangulong Bongbong Marcos.

Inihayag ito ni VP Sara sa kanyang talumpati sa Sarangani Province sa harap ng sinasabing sunod-sunod na suspensyon sa mga lokal na opisyal.

Nagbiro pa si VP Sara na uuwi na lamang sila at baka sila naman ang sunod na masuspinde.

Si VP Sara ay nagtungo sa Sarangani para personal na bisitahin at abutan ng tulong ang mga naapektuhan ng malakas na lindol noong June 8.

Facebook Comments