
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga Android users na maging maingat sa pag-click ng mga pinapadalang links.
Ayon sa DFA at BSP, may tinatawag na APK o Android Package Kit scam kung saan maaaring malinlang ang users na mag-download at mag-install ng apps mula sa unofficial sources.
Bukod sa android users, pinag-iingat din ang iOS users laban sa mga kahina-hinalang links at app downloads.
Nagpaalala ang DFA at ang BSP sa mga Pinoy sa abroad na iwasang mag-click ng kahina-hinalang links.
Kabilang dito ang mga link na nagpapa-download ng apps mula sa unofficial sources.
Dapat anilang mag-download lamang ng apps mula sa official app stores.
Facebook Comments










