Negosyante, Binaril Patay, Magsasaka, Na-Side Sweep ng Montero Sport, Patay sa Ragay, Camarines Sur

Negosyante, Binaril Patay, Magsasaka, Na-Side Sweep ng Montero Sport, Patay sa Ragay, Camarines sur
Isang negosyante ang dead on the spot nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspects sa Barangay Lanipga, bayan ng Ragay sa Camarines Sur kahapon bandang alas 2:30 ng hapon.
Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Raymond Eglip y Nopre, edad 27, negosyante at residente ng Brgy. Patalunan Ragay, Camarines Sur. Gamit ang di pa nalalaman na kalibre ng mga baril, tinamaan ang biktima sa ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Tumakas ang mga suspects pagkatapos ng insidente.
Patuloy pa ang isinasagawang imbistigasyon ng pulisya kaugnay ng motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga suspects.
Samantala, isang vehicular accident naman ang naitala ng pulisya sa Andaya High-Way sa portion ng Brgy. Panaytan bayan ng Ragay, Camarines Sur.
Naganap ang insidente kahapon bandang alas 4:30 ng hapon.
Ayon sa report, ang biktima na kinilalang isang Heremias Vega y Bacudio, edad 45, farmer at residente ng Brgy. Liboro sa bayan ng Ragay, Camarines Sur, ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklong Honda Wave nang ma-side sweep ito ng kasalubong na Montero Sports na minamaneho ni Joel Camano y Calmada, edad 47 at residente ng Bacoor, Cavite.
Sumadsad sa kalsada ang motorsiklo kasama na ang nagkasugat-sugat na katawan ng biktima. Kaagad naman siyang dinala sa Ragay District Hospital subalit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.
Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspect –driver ng SUV para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments