Negosyante patay sa pamamaril sa Matalam North Cotabato

24

Patay sa pamamaril ang isang negosyante sa bayan ng Matalam sa North Cotabato.
Ayon kay Police Regional Office-12 spokesperson Lt. Colonel Lino Capellan, ang biktima ay si Marissa Bautista, 46 anyos, residente ng Barangay Poblacion, Matalam.
Nagbabantay lamang ng kanyang sari-sari store si Bautista nang dumating ang hindi nakilalang suspek na nagpanggap na kustomer subalit hindi inaasahan ng biktima na papuputukan s’ya nito. Nagpapatuloy pa ang pag-iimbestiga ng Matalam-MPS kaugnay ng insidente upang mabatid ang posibleng motibo at kung sino ang maaring nasa likod ng pamamaril sa negosyante
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments

From Advertisers