Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group at iba pang unit ng PNP ang isang negosyanteng may kasong estafa sa Barangay Alangilan, Sta Catalina, Negros Oriental, kamakalawa.
Kinilala itong si Elmer Tinambacan Lastimoso, alyas Malmal na dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cicero Jandoc ng Regional Trial Court (RTC), Second Judicial Region, Branch 29 ng Bayombong Nueva Vizcaya.
Bukod sa estafa, may kinakaharap ding kasong syndicated estafa si Lastimoso sa Iloilo City Court.
Sa pag-aresto sa negosyante nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang glock caliber .40, dalawang magazines para sa caliber .40, 54 rounds ng caliber .40 at mga bala.
Agad nai-turn over ng PNP sa court of origin ang suspek na ngayon ay nahaharap sa panibagong kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos makuhaan ng baril at mga bala.