
Hinamon ni CIDG Director Police Major General Robert Morico II ang Ateneo coach na si Tab Baldwin na magpakalalaki at harapin ang imbestigasyon kaugnay ng pagkalunod ng dalawang basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Nabatid na hindi pa rin sumisipot ang nasabing coach sa unang subpoena ng inisyu ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kaugnay nito, naglabas na muli ng pangalawang subpoena ang CIDG para kay Baldwin kung saan hinihiniling din ng tanggapan na kasama sa pagsipot ng nasabing coach ang mga drone footage nito sa kasagsagan ng training na isinagawa sa Aurora.
Samantala, una nang sinabi ni Morico na bibigyan nila ng apat na subpoena ang mga resource person kaugnay ng insidente at kung hindi pa rin sila sisipot ay maaari silang maharap sa kasong Contempt of Court at Obstruction of Justice.










