Saturday, June 13, 2026

Advance passenger screening, ipinatutupad sa NAIA terminals

Kinumpirma ng New NAIA Infra Corp. na 34 international airlines na ang nakikipagtulungan sa pinatutupad ng Bureau of Immigration (BI) na Advance Passenger Information System.

Nangangahulugan ito na bago pa man ang pagdating at pag-alis ng bansa ng isang pasahero ay naipasa na ng airlines sa BI ang passenger information.

Ayon sa NNIC, layon nito na mas mapalapit at mapabilis ang pagproseso sa mga pasahero.

Binigyan naman ng BI ng hanggang June 30, 2026 ang 11 pang international airlines para kumpletuhin ang kanilang Advance Passenger Information System connectivity sa BI.

Facebook Comments