
Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t-ibang grupo sa Kalaw Avenue sa lungsod ng Maynila kasabay ng ika-128 Araw ng Kalayaan.
Nagmartsa ang iba’t-ibang grupo mula Kalaw Avenue at plano nilang magtungo sa harap ng US Embassy.
Pero, hindi sila hinayaan ng mga pulis na makaabot sa US Embassy kung saan hinarang na sila pagkalagpas ng Ma. Orosa Street.
Kung kaya’t doon na lamang nagsagawa ng programa ang mga nagkilos-protesta kung saam muli nilang ipinanawagan na palayasin na ang tropa ng Amerika at itigil na ang ginagawang military exercises lalo na’t kinakasangkapan lamang nito ang Pilipinas.
Bukod dito, iginigiit nila na panagutin ang lahat ng sangkot sa korupsyon partikular ang mga kumita sa maanomalyang flood control project.
Personal naman nagtungo sina NCRPO Chief Police Maj. Gen. Anthony Aberin at MPD Dir. Arnold Santiago para makita ang isinasagawang kilos protesta sa Kalaw Avenue upang masiguro na naipapatupad ang seguridad para na rin sa kaayusan at kapayapaan.










