North Korea, sisimulan nang bakunahan ang mga residente nito kontra COVID-19 sa Nobyembre

Sisimulan na ng North Korea ang pagbabakuna sa mga residente nito kontra COVID-19 sa darating na Nobyembre, isang buwan matapos ideklara nito ang tagumpay laban sa virus.

Ayon kay North Korean leader Kim Jong Un, maliban sa bakunahan ay irerekomenda na rin nila ang lahat ng residente nito na magsuot ng facemask para sa kanilang proteksyon.

Naniniwala kasi ang mga health experts na bababa ang antibody levels ng mga mamamayan sa bansa sa Oktubre kaya kailangan itong lapatan ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.


Hindi naman binanggit kung saan manggagaling ang kanilang bakuna.

Apat na buwan nang nakalilipas nang magdeklara ng COVID-19 outbreak sa Pyongyang dahil sa omicron variant kung saan itinuring nila ito bilang “fever patients” bunsod ng kakulangan sa testing capacity ng bansa.

Facebook Comments