Libo-libong deboto, nakiisa sa prusisyon ng Nuestra Senora de Peñafrancia sa Naga City, Camarines Sur

56
Photo Courtesy: Naga City Government

Libo-libong deboto ang nakiisa kahapon sa isinagawang prusisyon ng Nuestra Senora de Peñafrancia sa Naga City, Camarines Sur.

Matapos ang dalawang taon na paghinto ng aktibidad dahil sa COVID-19 pandemic, madaling araw pa lang ay dumagsa na ang mga nakiisa sa traslacion kung saan inilipat ang imahe ng Peñafrancia mula sa Basilica Menore papuntang Peñafrancia Parish.

Ito rin ang tanda bilang simula ng siyam na araw na novena bago ang kapistahan sa
September 28, 2022.


Matapos ang prusisyon, isinagawa naman ang Pontifical Mass para sa 140th anniversary ng imahe ng El Divino Rostro.

Facebook Comments