NUCLEAR POWER PLANT SA PANGASINAN, MULING ISINULONG SA RDC

Muling inendorso sa ginanap na Regional Development Council ang pagtatayo ang mosyon sa pagpapatayo nf nuclear power plant sa Labrador, Pangasinan.

Sa privilege speech ni Pangasinan 2nd District Mark Cojuangco, inihayag nito ang kagustuhan na unahin ang naturang proyekto sa Region 1 bago pa umano maunahan ng planong pagtatayo ng planta sa Maconacon, Isabela.

Ang naturang planta ay inaasahang makapagsusuplay ng nasa 46,000 megawatts ng kuryente na mapapakinabangan sa Pangasinan at mga karatig lalawigan.

Matatandaan nitong Pebrero, nang mariing tumutol ang simbahan sa Infanta sa pagpapatayo nito sa Labrador o saan mang lugar sa bansa dahil sa panganib nito sa kalikasan at sa kaligtasan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments