
Iginiit ng ilang kongresista sa mga law enforcement agencies sa bansa na magtulungan na para agarang madakip si Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Sinabi ito ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon makaraang hindi pagbigyan ng Supreme Court ang petisyon laban sa arrest warrant kay Dela Rosa ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, ang pasya ng Kataas-Taasang Hukuman ay go-signal sa ating law enforcement authorities para maglunsad ng nationwide manhunt kay Dela Rosa na isang International Fugitive.
Dagdag pa ni Cendaña, dapat ding mapanagot ang mga nagkakanlong sa mga puganteng tulad ni Dela Rosa.
Diin naman ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima, dapat ng sumuko si Senator Bato kasunod ng desisyon ng High Tribunal na maituturing na due process sa kanya hindi tulad sa libo-libong Pilipino na nasawi sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.










