Dalawang lalaki ang arestado matapos maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya laban sa ilegal na droga sa bayan ng Labrador madaling araw ng May 21, 2026.
Ayon sa ulat ng Labrador Municipal Police Station, naganap ang operasyon mula 4:58 AM hanggang 5:40 AM sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.
Naaresto ang dalawang suspek na kapwa residente ng Mangaldan. Ang isa ay 30 anyos habang ang ikalawa ay 26 anyos, kapwa binata.
Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 1.39 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na aabot sa ₱9,452. Ang droga ay nakapaloob sa limang heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang ibinebenta at iniingatan ng mga suspek.
Nakumpiska rin ng mga operatiba ang iba pang ebidensya.
Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga nakuhang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng mga mandatory witness at ng mga suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.
Posibleng maharap ang mga naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











