Online sexual abuse at child exploitation, tinalakay sa pagpupulong ni UN Special Rapporteur Singhateh at SOJ Remulla

Sumentro sa online sexual abuse at child exploitation ang naging pagpupulong nina UN Special Rapporteur on the Sale and Sexual Exploitation of Children Fatimah Singhateh at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay Remulla, ipinaabot niya kay Singhateh ang tunay na sitwasyon ng bansa hinggil sa child abuse gayundin ang mga hakbangin ng pamahalaan sa laban sa mga pang-aabuso sa mga bata.

Ani Remulla, nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa online sexual exploitation.


Kaya puspusan aniya ang pagsisikap ng Marcos administration para maalis na ang bansa sa ganitong estado.

Facebook Comments