
Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong araw ang dagdag na P0.1488 kada kWh na dagdag sa singil sa kuryente ngayong Hunyo
Ito ay katumbas ng P14.4833 kada kWh ng kabuuang rate para sa isang pangkaraniwang pamilya.
Ayon sa MERALCO, para naman sa mga residential customer na may karaniwang konsumo na 200 kWh, katumbas ito ng P30 na dagdag sa kanilang kabuuang bill sa kuryente ngayong buwan.
Nilinaw ng MERALCO na ito ay bunga ng pagtaas ng generation charge dahil sa mahal na presyo ng kuryente sa WESM, fuel, at paghina ng halaga ng piso.
Matatandaang sumipa ang line rental charges nang suspendihin ang operasyon ng WESM.
Facebook Comments










