Tuesday, June 9, 2026

Cayetano bloc, hindi nasabihan tungkol sa banta sa Senado

Hindi umano nasabihan tungkol sa threat o banta sa Senado ang Cayetano bloc.

Kaugnay ito sa kumpirmasyon ni Senate President pro-tempore Win Gatchalian na may natanggap silang intelligence information mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na may banta sa Senado kung saan sinabi naman ni Senator Tito Sotto III na “very serious” ang threat batay sa intelligence.

Ayon kay Senate President Senator Alan Peter Cayetano, kung credible o tunay ngang may banta, nararapat na malaman at maprotektahan ang bawat miyembro ng Secretariat gayundin ang bawat indibidwal na nagtatrabaho sa Senado.

Giit ng senador, ang seguridad ay hindi lang concern ng iisang bloc o grupo kundi ito ay usapin ng buong Senado.

Nagtataka si Cayetano kung bakit ang impormasyong ito ay naibahagi sa iilang senador at sa iba ay hindi.

Kinwestyon din ng mambabatas ano ang pinagmulan ng banta, sino ang nag-assessed at ano ang ebidensyang pinagbatayan ng threat.

Binigyang-diin ni Cayetano na ang impormasyon ay nagmula sa NBI at hindi sa Office of the Sergeant-at-Arms ng Senado na siyang tungkuling mangalaga sa seguridad ng kapulungan.

Sinabi pa ni Cayetano na hindi dapat mawala ang pokus ng Senado sa mga mahahalagang isyu ng pagbangon ng Mindanao mula sa malakas na lindol, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at langis, mga suliranin ng mga magsasaka at mangingisda, at iba pang mahahalagang panukala.

Facebook Comments