Saturday, June 6, 2026

Mga senador na nagsagawa ng umano’y bogus na Blue Ribbon Committee hearing, posibleng maharap sa kaso

Posibleng masampahan ng kasong kriminal ang mga senador na nagdaos ng tinawag ni Senator Ping Lacson na pekeng Blue Ribbon Committee (BRC) hearing kung saan humarap ang 18 na umano’y mga naging bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay Lacson, pwede silang maharap sa cyberlibel at iba pang krimen dahil iyon ay bogus na pagdinig at hindi sila pwedeng mag-invoke ng parliamentary immunity.

Ang mga opisyal ng gobyerno na lumahok sa nasabing pagtitipon ay maaari ring maharap sa kasong usurpation of authority o official functions.

Pinagbatayan ni Lacson ang Article 177 ng Revised Penal Code kung saan sinumang gumaganap na mga opisyal na tungkulin nang walang legal na kapangyarihan ay maaaring patawan ng prision correccional sa minimum at medium periods nito o anim na buwan hanggang anim na taon na pagkakakulong.

Iginigiit ng new majority bloc na hindi tunay na senate hearing ang idinaos ng paksyon ni Cayetano dahil napalitan na ang pamunuan ng komite.

Facebook Comments