Operasyon inilunsad sa Club Cusiong, 5 arestado, mga baril nakumpiska

Arestado ang lima katao sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat MPS , Maguindanao CIDT, CIDG ARMM , 2nd Manuever Platoon PPSC Maguindanao , at 19th IB 6th ID sa Brgy. Kusiong pasado alas dos kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nahuli base na rin sa warrant of arrest with criminal case number 2017-9371 na nilagdaan ni Judge Bansawan Ibrahim, ng Branch 14 RTC 12 sina Antonio “ Chito” Roales, 62 years old, negosyante , Jerry Guey Indo, 23 anyos, Security Aid, Reynald Anton, 28 Helper, Orlando Ariston 26 anyos at Raymond Clemente, 43 anyos at isa ring sekyu. Sinasabing sangkot sa kasong Frustrated Murder ang mga nahuli.

Nakumpiska sa mga naaresto ang 3 unit ng caliber 45, 38 revolver, isang improvised shotgun , improvised uzi sub machine gun , fragmentation grenade at samot saring bala.


Inaaresto ang lima sa loob ng compound ng Club Cusiong na di umanoy pag mamay ari ni Chito Roales habang kasalukuyang nasa custody ng DOS PNP ang mga naaresto ang mga nakumpiskang mga baril at inihahanda na ang kaukulang mga kaso.
Google Pic

Facebook Comments