Friday, June 5, 2026

π—•π—”π—•π—”π—˜π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—”π—ž π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π— π—”π—§π—˜π—’, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

Cauayan City – Nakorner ng mga kapulisan ang isang babaeng High-Value Target (HVT) sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad sa Barangay 4, San Mateo, Isabela nitong ika-4 ng Hunyo.

Kinilala ang suspek sa alyas na β€œAnie”, residente ng nabanggit na barangay.

Sa ikinasang search warrant ng mga awtoridad, nakumpiska ang 14 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang candy box, gayundin ang isang lighter at β‚±275 na cash.

Matapos ang operasyon, dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Facebook Comments