Wednesday, June 3, 2026

TULONG SA MGA NASUNUGAN SA TAGUIG, IPINAMAHAGI; SENADOR GATCHALIAN, NANAWAGAN NG STRICT FIRE PREVENTION MEASURES

Sa kabila ng ingay-politika, nanatiling nakapokus sa trabaho si Senador Win Gatchalian at personal na naghatid ng tulong nitong weekend sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Sta. Ana, Taguig City.

Kasama si Mayor Lani Cayetano, nagbahagi ang senador ng tig-50 kilong bigas sa 684 pamilyang nawalan ng kabahayan na may kabuuang halaga na ₱247,500.

Tiniyak ni Senador Gatchalian ang patuloy na ayuda upang maibsan ang hirap ng mga residente.

Ang pagbisita ay nagbukas din ng talakayan sa pagitan ng senador at ng alkalde ukol sa mga estratehiya para sa kaligtasan ng komunidad laban sa sunog.

Kasunod ng imbestigasyon sa hinihinalang “jumper,” nanawagan ang senador sa mga LGU at power distributor na paigtingin ang mga safety inspection laban sa mga ilegal na koneksyon sa kuryente sa gitna ng matinding tag-init.

Bilang tagasulong ng reporma sa enerhiya, patuloy na ipinaglalaban ni Senador Gatchalian ang mas ligtas na power distribution at mas matibay na proteksyon ng publiko laban sa mga panganib sa kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments