
Maglabas ng ebidensiya.
Ito ang pahayag ng Malacañang sa alegasyon ng ilang miyembro ng 18 ex-marines na naghatid umano sila ng maletang naglalaman ng pera sa bahay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Ilocos Norte.
Sa press briefing sa Malacañang, kinuwestiyon ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro kung may ebidensiya ang mga ito sa kanilang mga alegasyon.
Kinakailangan din daw munang maglabas ng pruweba ang mga dating marines lalo’t madali lang aniya magturo kung ang balak lamang ay manggulo.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Huwebes, sinabi rin ng ex-marines na bukod kay PBBM ay naghatid din sila ng male-maletang pera kay Presidential Son at House Majority Leader Rep. Sandro Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez, ilang kongresista at iba pang personalidad.










