ONE MANAOAG SCHOLARSHIP PROGRAM BATCH 3, BUKAS NA PARA SA APLIKASYON

Bukas na ang aplikasyon para sa One Manaoag Scholarship Program Batch 3 para sa Academic Year 2026–2027, ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Manaoag.

Kabilang sa mga kwalipikasyon ang pagiging residente ng Manaoag, magandang asal, at pagkakaroon ng General Weighted Average (GWA) na hindi bababa sa 85% noong Senior High School.

Kinakailangan din ang kumpletong online application form at ang pag-secure ng online appointment upang makadalo sa initial interview o assessment.

Ayon sa pamunuan, mahigpit na ipatutupad ang proseso kung saan hindi tatanggapin ang walk-in applicants at tanging may confirmed schedule lamang ang makaka-avail ng assessment.

Kabilang din sa susunod na hakbang ang scholarship qualifying examination para sa mga kwalipikadong aplikante.

Aabutin hanggang Hulyo 15, 2026 ang deadline ng pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento. Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga estudyanteng kwalipikado na samantalahin ang pagkakataon upang makamit ang kanilang pangarap sa tulong ng scholarship program.

Layunin ng programa na matulungan ang mga karapat-dapat na incoming first-year college students na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments