
Nagpapatupad ngayon ng price freeze ang Department of Energy (DOE) sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa General Santos City, South Cotabato.
Ayon sa DOE, sakop nito ang LPG na 11 kilograms pababa.
Kasunod ito ng State of Calamity na ideneklara sa GenSan bunga ng 7.8-magnitude na lindol nitong Lunes.
Inihayag ng DOE na tatagal ang price freeze sa presyo ng LPG sa General Santos City sa loob ng 15 araw.
Una nang tiniyak ng Energy Department na may sapat na supply ng oil products at LPG sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol.
Facebook Comments










