OPERASYON NG SAN ROQUE DAM, PINAG-AARALAN PARA SA MAS PINATATAG NA DISASTER PREPAREDNESS SA BAYAMBANG

Masusing pinag-aralan ng Bayambang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang operasyon ng San Roque Multipurpose Project sa isinagawang technical visit noong Mayo 19, 2026, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa pagbaha at iba pang sakuna.

Layunin ng pagbisita na mas maunawaan ang papel ng dam sa flood control, irrigation, at power generation sa Gitnang Luzon, at ang epekto nito sa disaster risk management ng mga kalapit na lugar.

Sa aktibidad, ipinakita ang mahahalagang pasilidad ng dam at ipinaliwanag ang proseso ng regulasyon ng tubig mula sa Agno River, lalo na tuwing malalakas na pag-ulan.

Tinalakay rin ang mga safety protocol at operasyon ng hydropower facility bilang bahagi ng integrated water management system ng proyekto.

Sa tulong nito, inaasahang mapapalalim ang kaalaman ng mga personnel sa disaster risk reduction at management systems na ginagamit sa malalaking imprastraktura sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments