
May susunod pang kakasuhan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng mga nanghihikayat na mag-aklas laban sa gobyerno.
Sa pagtatanong ng DZXL-RMN Manila kay CICC Acting Executive Director Undersecretary Aboy Paraiso, sinabi nitong may mga na-monitor pa silang nang-uudyok ng rebolusyon.
Partikular na rito ang mga nagsagawa ng kilos protesta noong nakaraang linggo sa harap ng Senado kasunod ng paglalabas ng International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban kay Senator Bato dela Rosa at matapos dalhin ng Kamara ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte noong Mayo 13 na nagkaroon pa ng shooting incident sa loob ng Senado.
Ayon kay Paraiso, hindi nila hahayaang gamitin ng mga nanghihikayat ng gulo ang social media platform kaya’t kailangan nilang sampolan ang mga ito.
Kahapon ang nagsampa ng mga kasong inciting to sedition, rebellion at Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances ang CICC laban kay Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio dahil sa mga naging pahayag nito noong nagkaroon ng kilos protesta at nanghihikayat ito ng rebolusyon.










