‎OPLAN TABANG: 700 RELIEF GOODS, BIGAS AT POTABLE WATER MATAGUMPAY NA IPINAMAHAGI SA DAGUPAN CITY

‎Umabot sa 700 relief goods, 700 tig-5-kilong bigas at 700 potable water ang ipinamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at habagat sa Caranglaan, Mayombo, Herrero at Poblacion Oeste.

‎Pinangunahan ng RMN Foundation, Inc. at RMN Networks ang relief operation, katuwang ang Metrobank Foundation, Inc. at mga staff at volunteers ng 104.7 iFM Dagupan.

‎Nagpaabot naman ng pasasalamat ang 104.7 iFM Dagupan sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng isinagawang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente.

‎Matapos ang relief operation sa Dagupan City, nagpapatuloy ngayong araw ang OPLAN TABANG sa bayan ng Calasiao, bilang bahagi ng layunin ng 104.7 iFM Dagupan na makapaghatid ng tulong at malasakit sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments