‎ILANG PAARALAN SA DAGUPAN CITY, BALIK ESKWELA MATAPOS ANG ILANG LINGGONG CLASS SUSPENSION

‎Matapos ang ilang linggong suspension ng face-to-face classes dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat, balik eskwela na ang ilang paaralan sa Dagupan City matapos na magpatupad ang pamahalaang lokal ng localized class suspension.

‎Ibig sabihin, para lamang sa mga paaralan na nasa lugar na may baha, ginagamit bilang evacuation center at mahirap ang access epektibo ang suspensyon.

‎Samantalang nakadepende naman sa
‎pasya ng School Heads/Principals ng mga apektadong paaralan kung sususpendihin ang klase sa kanilang paaralan.

‎Ilan sa mga paaralan na nagbukas ang klase kahapon ay Caranglaan Elementary School.

‎Ayon sa ilang guro, bagamat may pasok na ay kakaunti pa umano ang mga mag-aaral na pumasok.

‎Sa kabila nito, tinuloy pa rin ang klase para sa mga mag-aaral na pumasok at tiniyak ang seguridad sa loob ng mga paaralan.

‎Balik ekwela rin ang mga mag-aaral sa Federico N. Ceralde Integrated School.


‎Maaga namang humalili ang mga Barangay Tanod upang maalalayan ang bawat mag-aaral na papasok.

‎Nagbigay katiyakan naman ang pamahalaang lokal na patuloy ang kanilang monitoring lalo na sa mga apektadong lugar.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments